Malacañan walang sasantuhin sa P60M advertisement contract ng DOT
“No sacred cow.”
Ito ang pagtitiyak ng Palasyo ng Malacañan sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Office of the President sa kontrobersiyal na P60 million na advertisement contract ng Department of Tourism (DOT) sa PTV4 sa pamamagitan ng Bitag Media.
Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go, walang sasantuhin ang Palasyo sa naturang isyu.
Sinabi ni Go na tuloy ang imbestigasyon na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyung ito.
Ayon kay Go, lahat ng personalidad na may kinalaman sa report ng Commission on Audit (COA) hinggil sa naturang placement ad ay kasali sa mga iniimbestigahan.
Kaya hindi rin aniya ligtas sa imbestigasyon maging si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.
Nasa ilalim ng administrative management ng PCOO ang PTV4.
Wala pa namang tugon hanggang ngayon si Andanar hinggil sa bagay na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.