Reshuffle ng mga pulis para sa May 14 elections nais ng COMELEC

By Len Montaño May 03, 2018 - 04:24 AM

Oobligahin ng Commission on Elections (COMELEC) ang Philippine National Police (PNP) na balasahin ang mga hepe ng pulisya sa mga lugar na itinuturing na hotspots.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na kailangang ipaalam sa kanila ng publiko na sa kanilang lugar ay may gulo na may kaugnayan sa nalalapit na barangay at Sanggunian Kabataang (SK) elections para ma-reshuffle ang mga police chiefs.

Kaugnay naman sa mga opisyal ng barangay umano’y sangkot sa droga o iyong nasa narco-list na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sinabi ni Guanzon na hindi ito ang magiging batayan para madiskwalipika ang kandidato.

Sa ngayon aniya ay handa na ang COMELEC sa halalan sa May 14 kabilang ang mga election paraphernalia na gagamitin gayundin ang nakalaang allowance ng mga magtatrabahong guro. Pero bilang paalala ay iginiit ni Guanzon ang pagbabawal sa pagbili at pag-inom ng alak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.