Preamble ng Konstitusyon naaprubahang baguhin ng ConCom

By Len Montaño May 03, 2018 - 04:19 AM

Naaprubahan ng consultative committee, na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para i-review ang 1987 Constitution, ang pagbabago sa Preamble para sa bubuuing federal charter.

Sa unanimous vote, pinayagan ng concom en banc ang pagsingit sa Preamble ng mga katagang “permanent and idissoluble nation,” “united and progressive society under a federal government,” at “shared ideals and aspirations.”

Paliwanag ng chairman ng concom na si dating Chief Justice Reynato Puno, panukala sa magiging bagong Konstitusyon ang pederalismo na permanente at eternal.

Hindi lang anya ito paglalahad ng mga salita kundi pangako ng mga mamamayan at ng mga rehiyon na maging bahagi sila ng bagong federal republic.

Ang nagawa ng komite ay isusumite sa pangulo bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.

Ang panukala ng concom na mga isiningit na salita sa Preamble ng Konstusyon ay pwedeng aprubahan o hindi ng Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.