2 pulis na dinukot ng ASG buhay pa — PNP Chief Albayalde

By Len Montaño May 03, 2018 - 04:14 AM

Limang milyong piso ang hinihinging ransom ng mga dumukot sa dalawang babaeng pulis sa Sulu. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, buhay pa sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad batay sa impormasyon ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) director Chief Superintendent Graciano Mijares. Sa ngayon aniya ay wala pang maliwanag na update pero may mag negotiators sa mga kidnapper. Hiningi na ng PNP ang tulong ng mga lokal na opisyal para sa pagligtas sa dalawang pulis. Dinukot ang dalawa Linggo ng hapon sa Patikul ng 11 armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na pinamumunuan ng isang Mujir Yada. Galing sa Camp Teodolfo Bautista ang dalawang pulis nang dukutin sila sa Barangay Liang habang sakay ng motorsiklo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.