Patuloy na pagpapatunog sa mga kampana ng mga simbahan sa RCAM, ipinanawagan ni Cardinal Tagle

By Rhommel Balasbas May 03, 2018 - 03:51 AM

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga parokya sa kanyang Arkidiyosesis na ipagpatuloy ang pagpapatunog sa mga kampana tuwing alas-8 ng gabi.

Ito ay kasunod ng mga kontrobersiyal na pangyayari partikular ang karumal-dumal na pagpatay kay Father Mark Ventura noong Linggo sa Cagayan.

Sa kanyang liham sa mga kaparian, sinabi ng Cardinal na nawa’y ang mga kampana ay magpaaala sa lahat na huwag kalimutan ang mga namayapa at ipagdasal ang mga ito na alalahanin sila ng Diyos.

Anya pa, nawa’y ang tunog ng mga kampana ay umusig sa konsensya ng mga pumapatay at magsilbing instrumento upang alalahanin nila ang kanilang mga naging biktima.

Ang tunog anya ng kampana ay panawagan ding mapanibago ang pagluluksa ng mga mamamayan patungong pag-asa at kapayapaan.

Matatandaang nauna na itong hiniling ni Tagle noong Setyembre 8, 2017 sa mga parokya ng Archdiocese of Manila sa kaparehong layong alalahanin at ipagdasal ang mga namayapa.

Nauna nang kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kinasadlakan ng 37-anyos na pari sa Cagayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.