Mall sa Bataan, mahigit 40 oras nang nasusunog

Metro Bataan Development Authority Photo

Mahigit 40 oras nang tinutupok ng apoy ang Robinson’s Galleria Victoria Mall sa Balanga, Bataan.

Bagaman naideklara nang fire under control noong umaga ng Martes ay muli na naman itong naglalagablab.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng 6-storey na gusali.

Sa ngayon ay umabot na ang sunog sa ikalawang palapag.

Hindi mapasok ng mga bumbero ang gusali dahil sa lakas ng apoy.

Kabilang na rin sa mga rumesponde ang Metro Bataan Development Authority at Philippine Red Cross ngunit nananawagan pa rin ang mga awtoridad sa mga bumbero sa mga kalapit-probinsya na tumulong sa pag-apula ng apoy.

Damay na rin at apektado ang operasyon ng mga business establishments na malapit sa nasusunog na shopping mall.

Kasalukuyan na ring isinara ang mga kalsada upang bigyaang daan ang mga firefighters sa pag-apula sa sunog.

Read more...