Faeldon madedepensahan na ang sarili tungkol sa P6.4B shabu shipment controversy — Malacañan
Nirespeto ng Palasyo ng Malacañan ang desisyon ng Office of the Ombudsman na nagrerekomendang kasuhan si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon at iba pa nitong kasamahan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magandang pagkakataon ito para mabigyan ng pagkakataon si Faeldon na maidepensahan ang kanyang sarili matapos madawit sa P6.4 billion na shabu shipment na nakalusot sa Port Area noong siya pa ang pinuno ng BOC.
Bukod kay Faeldon, dawit din sa kaso Import Assessment Service (IAS) Director Milo Maestrecampo at iba pang opisyal sa BOC.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Roque na maaayos na makapagpapaliwanag ang mga akusado sa korte.
Gayunman, inabswelto naman sa kaso ng Ombudsman sina Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Matatandaang nadawit ang pangalan nina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Carpio sa Senate hearing kaugnay sa shabu shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.