Naniniwala si Senador Chiz Escudero na ang pinirmahang executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabing bawal ang contractualization ay pagpasa sa Kongreso ng responsibilidad para tuluyan nang magwakas ang sistemang ito sa sektor ng paggawa.
Sinabi ni Escudero na sa Labor Code ay hindi ipinagbabawal ang contractualization, ngunit aniya ang Malacañan ay may kapangyarihan na talagang ipagbawal ito.
Ngunit ayon kay Escudero, talagang trabaho ng Kongreso na igiya ang administrasyon sa daan na dapat at maaari nitong tahakin.
Ibinahagi pa ng senador na ilang beses nang naamyendahan ang Labor Code ngunit parati namang hindi ginagalaw ang probisyon ukol sa kontraktuwalisasyon.
Aniya ang pinirmahan kahapon ng pangulo ay sapat na para maging basehan ng dapat na maging batas na lalaban sa contractualization.
Banggit pa ni Escudero, ang gobyerno ang may pinakamaraming kawani na contractual.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.