Survey sa pag-ayaw ng mga Pinoy sa CHACHA inaasahan na ni Senador Kiko Pangilinan

By Jan Escosio May 02, 2018 - 11:54 PM

Hindi na ipinagtataka ni Senador Kiko Pangilinan kung padami nang padami ang mga Pilipino na ayaw baguhin ang Saligang Batas.

Ayon kay Pangilinan na siyang namumuno sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, sa pagsasagawa nila ng mga pagdinig ukol sa Charter Change sa iba’t ibang bahagi ng bansa, iisa ang naging pangkalahatang sentimyento.

Aniya ayaw ng marami sa Charter Change o pagbabago sa Konstitusyon dahil hindi nila lubos na naiintindihan ang Saligang Batas.

Dagdag pa ni Pangilinan na sa mga pag-iikot din nila, mas gusto ng marami sa ating mga kababayan na atupagin muna ng gobyerno ang problema ukol sa kakulangan ng trabaho at mataas na presyo ng mga bilihin.

Nabanggit din nito na ang paniniwala ng mga Pilipino, pinupuwersa ang pederalismo para alisan sila ng karapatang bumoto sa 2019 midterm eleksyon.

Aniya maging sa Mindanao ay malamig ang pagtanggap sa ideya ng pagbabago sa Saligang Batas maging sa pederalismo.

Dapat, pagdidiin ni Pangilinan, ay ipaliwanag muna sa ating mga kababayan kung ano ang nilalaman ng ating Saligang Batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.