Hinikayat ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang pamahalaan na iatras na ang panukalang Charter Change.
Ayon kay Zarate, dapat na itigil na ng gobyerno ang pagpilit na maisulong ang CHACHA dahil ito ay aksaya lamang ng oras at pera ng taumbayan.
Ang resulta ng survey ay patunay lamang aniya na hindi nagbabago ang posisyon ng maraming Pilipino sa CHACHA mula pa noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Babala pa ng mambabatas, dapat asahan na ng pamahalaan ang malawakang pagkilos kontra sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sa latest Pulse Asia Survey, lumabas na 64% ng mga Pilipino ang tutol sa pagbabago sa Konstitusyon.
Samantala, sinabi ni Zarate na ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pag-aksyon sa mga problema sa lupa ng mga magsasaka, pagtaas ng sahod, pagwawakas sa kontraktwalisasyon, at pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin.