Mga SME’s dapat kasama sa pag-usapan sa nalalapit na APEC Summit

inquirer conversationDapat kabilang ang mga Small and Medium Enterprises o SME’s sa tinatawag na ‘global value chain.’

Ito ang panawagan nina dating Trade and Industry Secretary Ernesto Ordoñez at international trade expert Tony Abad  sa “Inquirer Conversation” forum na may kaugnayan sa nalalapit na Asia-Pacific Economic Cooperation.

Panawagan nina Ordoñez at Abad, dapat ipaglaban ito ng Pilipinas sa  pagpupulong ng mga economic leaders sa Nobyembre.

Ginanap ang “Inquirer Conversation” sa Ateneo Rockwell Ampitheater na dinaluhan ng maraming tao.

Ang “Inquirer Conversation” ay co-sponsored ng Globe.

Nagsilbing moderator sa “Inquirer Conversation” ang Senior reporter ng Philippine Daily Inquirer  na si Dax Lucas.

 

 

Read more...