Mga SME’s dapat kasama sa pag-usapan sa nalalapit na APEC Summit
Dapat kabilang ang mga Small and Medium Enterprises o SME’s sa tinatawag na ‘global value chain.’
Ito ang panawagan nina dating Trade and Industry Secretary Ernesto Ordoñez at international trade expert Tony Abad sa “Inquirer Conversation” forum na may kaugnayan sa nalalapit na Asia-Pacific Economic Cooperation.
Panawagan nina Ordoñez at Abad, dapat ipaglaban ito ng Pilipinas sa pagpupulong ng mga economic leaders sa Nobyembre.
Ginanap ang “Inquirer Conversation” sa Ateneo Rockwell Ampitheater na dinaluhan ng maraming tao.
Ang “Inquirer Conversation” ay co-sponsored ng Globe.
Nagsilbing moderator sa “Inquirer Conversation” ang Senior reporter ng Philippine Daily Inquirer na si Dax Lucas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.