Pilipinas kukuha ang mga skilled workers sa abroad

By Chona Yu May 02, 2018 - 03:10 PM

Inquirer file photo

Kung panay padala ang Pilipinas ng mga skilled workers sa iba’t ibang panig ng mundo, pinag aaralan naman ngayon ng Malacañang ang pagkuha ng mga dayuhang manggagawa para masuportahan ang Build Build Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kinakapos na kasi ang Pilipinas ng mga skilled workers kung hindi uuwi ang mga ito na karamihan ay nasa Middle East.

Agad namang nilinaw ni Roque na bibigyang prayoridad pa rin ang mga Filipino lalo na ang mga manggagawa mula Kuwait na uuwi sa bansa.

“Nagkukulang na tayo ng tao dito sa Build, Build, Build. Talagang baka nga tayo pa ang kumuha ng mga dayuhang mga manggagawa para dito”, ayon pa sa kalihim.

Tinatayang aabot sa 260,000 na OFWs ang maapektuhan sa gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Hindi kasi nagustuhan ng Kuwait ang ginawang pag-rescue ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFWs sa kuwait.

TAGS: Bild, ofw, Roque, Skilled Workers, Bild, ofw, Roque, Skilled Workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.