Pauwi na sa Pilipinas si dating Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na idineklarang persona non grata sa naturang bansa.
Ipinahayag ni Villa na hindi siya nagsisis sa kanyang ginawa dahil para ito sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers sa naturang Gulf state.
Aniya, wala rin siyang sama ng loob sa gobyerno ng Kuwait sa kabila ng ginawang pagpapalayas sa kanya.
Bukod kay Villa, hinuli rin ng Kuwaiti government ang ilang tauhan ng embahada doon.
Matatandaang pinalayas ng Kuwait si Villa dahil sa naging asal nito sa pagsaklolo sa mga distressed OFWs.
Sinabi na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili na ang pagbabawal ng mga domestic helpers sa nasabing bansa.
MOST READ
LATEST STORIES