PNP, walang nakikitang banta sa ginaganap na 51st ADB meeting

By Mark Makalalad May 02, 2018 - 12:38 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Walang nakikitang banta ang Philippine National Police sa isinasagawang 51st Asian Development Bank meeting ngayong taon sa bansa.

Ayon kay Chief Supt. Alfredo Valdez, hepe ng ADB 2018, ‘so far, so good’ ang kanilang security measures at wala silang natatanggap na ulat sa mga grupo sa labas at loob ng bansa na maaring manggulo.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office Chief Camilo Cascolan na wala rin silang inaashang malakihang kilos protesta.

Kung sakali man anya na may magtangka ay nakahanda silang harapin ito dahil nakakalat na ang civil disturbance management unit ng PNP.

Ayon naman kay Celine Pialago, spokesperon ng MMDA na walang magiging road closures sa ADB meeting sa bahagi ng Ortigas Business District at stop and go schemes lang mahigpit nilang ipatutupad.

Sa ngayon, nagsidatingan na ang nasa mahigit 4,000 delegado para sa ADB meeting.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ADB meeting, Ortigas Pasig City, Radyo Inquirer, ADB meeting, Ortigas Pasig City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.