90 percent ng populasyon sa buong mundo, lantad sa maruming hangin ayon sa WHO

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 02, 2018 - 12:31 PM

DENR Photo

Mahigit 90 porsyento ng kabuuang populasyon sa buong mundo ang nakalalanghap ng maruming hangin ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa datos mula sa WHO, high levels ng polusyon ang nalalanghap ng mayorya ng populasyon sa mundo at matinding problema sa air pollution ang kinakaharap ng bawat bansa.

Sa ginawang pag-aaral, sinuri ang health-hazardous levels ng outdoor at household air pollution at lumitaw na pitong milyong katao ang namamatay kada taon dahil sa pagkakalantad sa maruming hangin.

Mahigit 90 percent ng kaso ng pagkasawi ay inuugnay sa air pollution sa mga low o middle income countries sa Asya at Africa.

Lumitaw din sa pag-aaral na ang highest ambient air pollution levels ay matatagpuan sa Eastern Mediterranean region gaya ng Middle East at North Africa at sa South-East Asia.

Sa nasabing mga rehiyon, ang polusyon sa hangin ay limang beses na mas mataas kaysa sa ikinukunsiderang safe level ng WHO.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: air pollution, pollution, smoke belching, World Health Organization, air pollution, pollution, smoke belching, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.