17 kolorum na sasakyan, huli sa operasyon ng i-ACT sa Sta. Rosa, Laguna

IACT Photo

Labingpitong kolorum na sasakyan ang nahuli sa isinagawang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa Sta. Rosa, Laguna.

DOTr Photo

Isinagawa ang operasyon, Miyerkules ng umaga (May 2) kung saan 17 sasakyan ang agad na naharang dahil sa pamamasada nang walang prangkisa.

Karamihan sa mga nahuli ay pawang mga van na ang plaka ay pang-pribadong sasakyan at walang kaukulang permit o prangkisa para pumasada.

Iiimpound ang lahat ng mga kolorum na sasakyang nahuli.

Tiniyak naman ng Department of Transportation na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng i-ACT laban sa mga kolorum na sasakyan makaraang mismong si Pangulong Duterte na ang mag-utos na ubusin ang lahat ng kolorum sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...