Hinihinalang holdaper patay matapos manlaban sa mga pulis sa Davao City

By Rohanisa Abbas May 02, 2018 - 11:57 AM

Police banner

Patay ang isang umano’y holdaper na nalaban sa mga pulis sa Bankerohan Public Market sa Davao City.

Kinilala ang suspek na si Jayson Gomez, 18 taong gulang.

Ayon sa mga tanod ng Barangay 5-A, kilalang magnanakaw si Gomez sa lugar na ilang beses na rin nakulong.

Ayon kay Chief Inspector Ramil Macarampat, aarestuhin dapat ng mga pulis ang suspek. Aniya, nang makaramdam si Gomez na palapit na ang mga pulis sa kanya, pinaputukan ng suspek ang mga ito, dahilan para paputukan siya ng mga pulis.

Narekober sa lugar ang kalibre .38 ni Gomez.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bankerohan, Davao City, Public Market, Radyo Inquirer, Bankerohan, Davao City, Public Market, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.