Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na magpapasa ng batas ang senado para mawakasan na ang contractualization sa mga manggagawa.
Ayon kay Pimentel gagawin nilang prayoridad para maipasa ang mga panukala na magbibigay ng ganap na security of tenure sa mga manggagawa sa kanilang trabaho.
Aminado si Pimentel na ang pinirmahan executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa illegal contracting o subcontracting ay maaring mabawi ng mga susunod na pangulo ng bansa.
Ngunit aniya kung may batas na ukol dito ay mahihirapan nang mabawi o mabago pa ito.
Samantala, ipinagdiinan naman ni Sen. Joel Villanueva, chairman ng senate committee on labor, na ang pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa at pagtiyak na nasusunod ang mga labor laws ay hindi maituturing na pagsikil sa mga negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.