Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ito ay dahil hindi pa inaaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang pagbibitiw at habang wala pa silang kapalit sa pwesto.
Magugunitang base sa memorandum ni Guevarra ay pinagsumite sila ng courtesy resignation para magkaroon siya ng kalayaan na makapili ng mga bagong Asec at Usec na kanyang makakatuwang sa trabaho.
Kabilang sa mga nagresign sina
- Asecs Adonis Sulit
- George Ortha II
- Moslemen Macarambon Sr
- Cheryl Daytec-Yangot
- Sergio Yap
- Margaret Padilla
Habang ang mga Usec. naman ay sina:
- Erickson Balmes
- Raymund Mecate
- Reynante Orceo
- Deo Marco
- Antonio Kho Jr.
MOST READ
LATEST STORIES