Segurirad sa ika-51 ADB meeting, bantay sarado ng PNP

By Mark Makalalad May 02, 2018 - 11:23 AM

Bantay sarado na ng Philippine National Police ang seguridad para ika 51 Asian development bank annual meeting of governors na ginaganap sa Ortigas simula ngayong araw hanggang sa Linggo (May 6).

Ayon kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, 7,700 pulis ang ikinalat ng PNP para naturang event at mismong security framework ng ASEAN meeting sa bansa ang pinagayahan nila dito.

Dagdag pa ni Albayalde, babantayan nila mula pagbyahe ng mga delegado, lugar na pagdadausan ng mga pagpupulong hanggang sa tutuluyan ng mga ito

Bukod sa 7 libong pulis, mayroong ding ikinalat na 1,000 tauhan ng MMDA at iba pang ahensya ng gobyerno na bumubuo sa security task force ADB manila 2018

Tinatayang 3,000 delegado mula sa 67 mga bansang miyembro ng ADB ang dadalo sa mga aktibidad sa bahagi ng Ortigas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ADB meeting, Radyo Inquirer, security preparations, ADB meeting, Radyo Inquirer, security preparations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.