Tren ng PNR nagliyab sa gitna ng biyahe

PNR
Inquirer Metro

Nagkaroon ng aberya ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) matapos magkaroon ng singaw ng langis ang makina nito sa may bahagi ng Bicutan sa Taguig City.

Ayon kay Paul De Quiros, tagapagsalita ng PNR, nagkaroon ng leak ng engine oil sa makina ng tren sa pagitan ng FTI at Nichols station pasado alas-Dos ng hapon kanina.

Wala naman nasaktan na mga pasahero sa insidente habang kaagad nagpadala ng panibagong makina ang PNR para mapalitan ang makina ng nagka aberyang makina ng tren.

Samantala, sa larawan na ipinost sa twitter ng isang motorista, makikita na nag apoy ang makina ng tren, taliwas sa pagtanggi ng PNR na hindi nagkaroon ng apoy sa makina ng tren.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalam ang mga byahe ng tren ng PNR dahil pagkakaroon ng sira o kaya naman ay pagkakasangkot sa aksidente.

Read more...