Tugon ito ng palasyo sa ulat ng Ibon foundation na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagkatrabaho na umabot sa 41.8 million ngayong January 2018.
Mas mataas ito sa 39 points sa naitala nuong January 2017.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque bagama’t may nakitang pagtaas sa bilang ng mga underemployed at part-time workers nitong nakaraang Enero ngayong taon, binawi naman ito ng employment rate na pumalo sa 94.7%.
Bukod dito sinabi ni Roque na mas bumagsak pa sa kabilang banda ang unemployment rate sa 5.3% nitong January 2018 mula sa 6.6% nuong January 2017.
Pursigido aniya ang kasaluyang administrasyon na mabigyan ng kompottableng pamumuhay ang mga Filipino.