Malakanyang tiniyak ang tutoy-tuloy na pagresolba sa iba’t ibang labor issues

By Chona Yu May 02, 2018 - 10:50 AM

Tiniyak ng Malakanyang na tuloy ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan para mapaganda ang sektor ng paggawa sa Pilipinas.

Tugon ito ng palasyo sa ulat ng Ibon foundation na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagkatrabaho na umabot sa 41.8 million ngayong January 2018.

Mas mataas ito sa 39 points sa naitala nuong January 2017.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque bagama’t may nakitang pagtaas sa bilang ng mga underemployed at part-time workers nitong nakaraang Enero ngayong taon, binawi naman ito ng employment rate na pumalo sa 94.7%.

Bukod dito sinabi ni Roque na mas bumagsak pa sa kabilang banda ang unemployment rate sa 5.3% nitong January 2018 mula sa 6.6% nuong January 2017.

Pursigido aniya ang kasaluyang administrasyon na mabigyan ng kompottableng pamumuhay ang mga Filipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, ibon foundation, Harry Roque, ibon foundation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.