Drug den sa Lucena City, sinalakay ng mga otoridad

By Rohanisa Abbas May 02, 2018 - 10:26 AM

Sinalakay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang pinakamtandang drug den sa Lucena City, Quezon.

Ayon kay Supt. Vincent Cabatingan, hepe ng pulisya ng lungsod, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang naturang bagsakan ng shabu sa Purok Isla Matahimik sa Barangay Cotta.

Aniya, gumamit pa sila ng drone sa pagbabantay sa lugar kung saan talamak ang bentahan ng iligal na droga.

Maliban dito, isiniwalat ni Cabatingan na sa naturang drug den din nagtatago ang wanted persons, at mga myembro ng gun for hire group.

Mahigit 10 taon nang nago-operate ang drug den.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug den, Lucena City, Radyo Inquirer, drug den, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.