Senior citizen sa Isabela nagpakamatay dahil sa kahirapan ng buhay

By Rohanisa Abbas May 02, 2018 - 10:22 AM

Napatiwakal umano ang isang senior citizen sa Angadanan, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Cristino Colobong, 64 taong gulang.

Ayon kay Senior Insp. Ardee Tion, hepe ng pulisya ng Angadanan, nadiskubre ang mga labi ni Colobong sa likod ng kanyang bahay.

Bago pa man ang insidente, nagpahiwatig na ito na magpakamatay dahil sa kahirapan at problema sa pamilya.

Napagpasyahan naman ng pamilya ni Colobong na huwag nang ipa-autopsy ang kanyang bangkay dahil wala silang nakitang foul play.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.