Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 66% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungong federalismo.
64% naman ang nagsabing hindi sila pabor sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Mas mataas ito ng 20 points kumpara sa 44 percent na naitala noong 2016.
Suportado naman ng 27% ang Charter change habang 6% hindi pa desidido sa usapin.
Isinagawa ng Pulse Asia ang survey sa 1,200 respondents edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews noong March 23 hanggang 28.
MOST READ
LATEST STORIES