Driver ng Grab hinipuan ng lasing na lalaking pasahero

By Mark Makalalad May 02, 2018 - 09:51 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Dumulog sa tanggapan ng Quezon City Police District Station 10 ang isang GRAB driver matapos hipuan ng kanyang pasahero na call center agent.

Ayon kay alyas Bryan, nagsakay sya ng 4 na pasahero sa BGC Taguig pasado alas-2:40 ng umaga.

Ihahatid nya raw sana ang mga ito sa sa Guadalupe MRT station na kanilang drop off pero humiling ang isa nyang sakay na magpahatid sa Crossing ng greenfield district sa Shaw Blvd.

Pagkababa ng tatlong ibang pasahero, dito na sinimulang hawakan ni Christian Pagela ang maselang bahagi ng kanyang pagkalalaki.

Nasa 15 hanggang 20 segundo raw niyapos ng ni Pagela ang kanyang pagkalalaki.

Tinapik nya raw ang kamay nito at ilang beses na sinaway pero sa kabila nito ay hindi pa rin nagpaawat ang kanyang sakay at paulit-ulit na ginawa ang panghihipo.

Sa halip na ibaba sa kanyang destinasyon, idineretso na lang ng driver ang kanyang pasahero sa police station.

Todo sisi naman ang pasahero at sinabing lasing lang sya kaya nagawa ang panghihipo.

Mahaharap sa reklamong act of lasciviousness ang pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: GRab Driver, Radyo Inquirer, GRab Driver, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.