24,000 na mga manggagawa nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 kahapon, Labor Day

Mahigit 24,000 na mga pasahero ang libreng nakasakay ng Metro Rail Transit – 3 kahapon, Labor day.

Nag-alok ng libreng sakay ang MRT-3 kahapon, May 1, para sa lahat ng mga manggagawa bilang paggunita sa Labor Day.

Ayon sa MRT-3, umabot sa 24,117 na public at private at workers ang naka-avail ng libreng sakay ng MRT-3.

Kabilang dito ang 11,409 na mga manggagawa na libreng nakasakay sa MRT mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 12,708 na mga manggagawa mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...