DepEd wala pang balak baguhin ang simula ng pasukan

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 02, 2018 - 09:22 AM

Ang buwan ng Hunyo pa rin ang maituturing na ideal na umpisa ng pasukan ayon sa Department of Education.

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na wala pa silang balak na baguhin ang petsa ng simula ng pasukan sa mga pampublikong paaralan.

Sakali kasi aniyang ilipat sa buwan ng Agosto ang pasukan ay hindi ito pabor sa mga estudyante.

Aniya, kung magiging Agosto ang simula ng klase, matatapos ang school year sa kasagsagan ng mainit na panahon.

Hindi aniya ito magiging angkop lalo na sa mga pampublikong paaralan dahil madami ang estudyante sa isang silid aralan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DeoEd, Opening, public school, school opening, DeoEd, Opening, public school, school opening

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.