Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dapat na bigyang-diin na ang adult joblessness ay tumutukoy sa mga empleyadong kusang loob na iniwan ang mga dati nilang hanapbuhay.
Kabilang din dito ang mga na-retrenched at mga naghahanap pa lamang ng trabaho sa unang pagkakataon.
Kinuwestiyon din ni Roque ang timing kung kailan isinagawa ang survey na pumatak nung Marso 23 hanggang 27 na aniya’y panahon ng graduation at panahong hahanap pa lang ng trabaho ang mga graduates.
Dagdag ni Roque, hindi kataka-taka na tataas ang joblessness rate ng March 2018 kaysa sa December 2017 gayung Disyembre ang panahon kung saan maraming bukas na seasonal job.