Malakanyang pumalag sa SWS survey hinggil sa mataas na joblessness rate sa bansa
Dumipensa ang Malakanyang sa resulta ng SWS survey kung saan pumalo sa 23.9 percent ang bilang ng joblessness rate mula sa 15.7 percent noong December 2017.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dapat na bigyang-diin na ang adult joblessness ay tumutukoy sa mga empleyadong kusang loob na iniwan ang mga dati nilang hanapbuhay.
Kabilang din dito ang mga na-retrenched at mga naghahanap pa lamang ng trabaho sa unang pagkakataon.
Kinuwestiyon din ni Roque ang timing kung kailan isinagawa ang survey na pumatak nung Marso 23 hanggang 27 na aniya’y panahon ng graduation at panahong hahanap pa lang ng trabaho ang mga graduates.
Dagdag ni Roque, hindi kataka-taka na tataas ang joblessness rate ng March 2018 kaysa sa December 2017 gayung Disyembre ang panahon kung saan maraming bukas na seasonal job.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.