Pulong nina US President Donald Trump at Kim Jong Un posibleng sa Korean DMZ maganap
Hinikayat ni South Korean President Moon Jae-in si North Korean leader Kim Jong Un na gawin ang kaniyang nalalapit na pulong kay US President Donald Trump sa demilitarized zone na naghihiwalay sa North at South Korea.
Posible umanong gawin ang pulong nina Kim at Trump sa Panmunjom kung saan ginanap din ang summit at makasaysayang pagpupulong nina Kim at Moon.
Magiging historical din umano kung bibiyahe si President Trump at magtutungo sa northern side ng demilitarized zone o DMZ.
Maliban dito, kumpleto na rin ang pasilidad sa lugar gaya ng media facilities at equipment.
Una nang sinabi ni Trump na maaring maganap ang pulong nila ni Kim ngayong buwan ng Mayo o di kaya ay sa Hunyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.