Build, Build, Build Program magbibigay ng dagdag-trabaho para sa mga Pinoy
Kumpyansa ang Malacañan na ang programang pang-imprastraktura ng gobyerno ay magbibigay ng dagdag na mga trabaho sa mga Pilipino.
Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng lumabas sa Social Weather Stations (SWS) survey na dumami ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa unang bahagi ng 2018.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili silang positibo na ang implementasyon ng Build, Build, Build infrastracture plan ay magreresulta ng mas maraming trabaho.
Puna ni Roque, ginawa ang survey sa first quarter ng taon kung kailan katatapos lang ng maraming estudyante sa huling semestre sa kolehiyo at inaasahan na maghahanap pa lang sila ng mga trabaho.
Tuwing Disyembre aniya ang panahon kung kailan maraming seasonal jobs na pwedeng pasukan ang mga Pinoy dahil sa panahon ng Kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.