Hindi umano kawalan ang plano ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) na alisin ang kanilang grupo sa Mindanao na tumutulong sa kapakanan ng libu-libong katutubo tulad ng mga Lumad.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma Jr. na hindi naman nagpapabaya ang gobyerno at katunayan ay nakatutok ang mga ahensiya sa kapakanan ng mga ito.
Wala aniya silang impormasyon sa plano ng UNHCR na pag-alis ng puwersa dahil sa saisanbing kakulangan ng pondo.
Hindi kumbinsido si Coloma na nauubusan ng pondo ang komisyon dahil ito ay direktang nasa ilalim ng pangangasiwa ng United Nations.
Tinitiyak ni Coloma na kumikilos ang gobyerno at ginagawa ang lahat ng paraan para sa proteksiyon at angkop na pagkalinga sa mga Lumad.
Idindagdag din ng kalihim na bukas ang pamahalaan sa anumang uri ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagpatay ng ilang mga tauhan ng military sa ilang mga katutubo na iniuugnay naman sa Communist Party of the Philippines.