Ito ang general assessment ng Philippine National Police (PNP) matapos ang mga aktibidad na may kinalaman sa Labor Day.
Sa pagmonitor ng PNP, nasa 5,600 ang mga nag-protesta sa Metro Manila at iba’t ibang lugar sa bansa.
Ito ay mas kaunti sa tinatayang 60,000 na raliyista na sinabi ng organizers na kasama sa Labor Day activities.
Ayon sa PNP, ang bilang ay mas mababa kumpara sa pinakamaraming nagprotesta sa nakalipas na Labor Day events na umabot sa 15,000.
Naging sentro ng aktibidad ang programa sa Mendiola, Maynila at nagkaroon ng katulad na mga aktibidad sa ilang bahagi ng bansa kabilang sa Baguio City, Bataan, Angeles City, Sta. Rosa at Los Baños sa Laguna, Legazpi City, Naga City at Daet, Camarines Norte sa Bicol, Cebu City, Tacloban, Iligan City, General Santos City, at Butuan City.
Wala namang naitala ang PNP na anumang gulo at nanatiling nagbabantay ang mga pulis hanggang sa mag-alisan ang mga raliyista.