Petisyong ipahinto ang TRAIN Law ipinababasura ng Solicitor General

By Len Montaño May 02, 2018 - 03:53 AM

Pinababasura ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema ang petisyon na ipahinto ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa isinumiteng kometo sa Supreme Court, iginiit ng OSG na depektibo at walang merito ang pagtutol ng mga militanteng kongresista at ibang grupo sa tax reform package.

Ayon sa ahensya, apektado ang gobyerno at publiko kapag ipinatigil ang TRAIN law dahil mahigit P146 billion ang mawawalang kita.

Malaking tulong umano ang tax reform law dahil sa inaasahang halos P90 billion na kita ngayong 2018 at tinatayang P786 billion sa unang limang taon.

Kapag idineklara namang iligal ang excise tax sa produktong petrolyo ay magreresulta ito sa mababang pondo para sa mga programa ng gobyerno sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at ibang social services.

Giit pa ng OSG, epektibo ang TRAIN Law dahil ramdam ng mga empleyado ang mas malaking take home pay dahil sa tinanggal na income tax.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.