3 patay sa pananambang sa Nueva Ecija

Patay ang tatlo katao, habang sugatan naman ang limang iba pa matapos tambangan ang kanilang sinasakyang van sa bayan ng Guimba, sa Nueva Ecija.

Napag-alaman na dalawa sa mga nasugatan ay pawang mga pulis.

Batay sa paunang impormasyon mula sa mga otoridad, alas-6 ng gabi ng Martes nang maganap ang nasabing insidente.

Hindi pa muna ipinagbigay-alam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima dahil anila, ipapabatid muna nila ito sa pamilya ng mga ito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nangyaring pananambang, partikular ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo ng mga ito.

Read more...