Mga bagong kadete ng PNPA pinaalalahanan na bawal ang hazing

By Justinne Punsalang May 02, 2018 - 03:09 AM

Pinayuhan ng pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang mga bagong kadete na agad ireport kung mayroong mga upperclassmen na mananakit o magsasagawa ng hazing sa mga ito.

Sa oath-taking ceremony at reception rites na isinagawa sa Camp Mariano Castañeda sa Silang, Cavite ay sinabi ni Philippine Public Safety College President, Ricardo de Leon na kung tungkol sa hazing ay maaaring labagin ng mga kadete ang kanilang code of silence.

Binalaan rin ni de Leon ang mga upperclassmen na huwag abusuhin o saktan ang mga bagong kadete.

Aniya, hindi sila magdadalawang isip na patalsikin mula sa pamantasan ang mga hindi susunod sa anti-hazing policy.

Ang naturang warning ay kasunod ng nangyaring pambubugbog sa anim na mga baong graduate ng PNPA noong March 21 ilang araw lamang matapos ang kanilang graduation ceremony na dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Napag-alaman na upperclassmen ng anim na mga bagong graduate ang nambugbog sa mga ito.

Ayon naman kay PNPA director Chief Superintendent Joseph Adnol, nais nilang tiyakin na walang kadete ang maaabuso.

Lahat ng 226 na mga bagong kadete ay lumagda sa isang affidavit kung saan ipinapangako ng mga ito na hindi sila makikibahagi sa anumang uri ng hazing. Maging ang mga upperclassmen at opisyal ng PNPA ay pinapirmahan din ng kaparehong affidavit.

Ayon pa kay de Leon, inayos nila ang mga dorm upang maging mas maayos ang pamamalagi doon ng mga kadete.

Aniya pa, magpapatupad sila ng military discipline sa mga kadete.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.