Paglalabas ng narco-list ng PDEA suportado ng isang CBCP group

Sinuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang ginawang pagsasapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa listahan ng mga barangay officials na pinaghihinalaang sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Sa isang pahayag, sinabi ni CBCP-ECMI Chairman Bishop Ruperto Santos na karapatan ng publiko na makilala at malaman ang pagkatao ng kanilang mga iboboto.

Para sa ‘common good’ umano ng komunidad ang pagsasapubliko sa mga narco-politicians.

Ito anya ay upang matiyak ang kinabukasan ng mga kabataan at ng bansa.

Sinabi pa ni Bishop Santos na dapat lamang na maisapubliko ang buhay at ginagawa ng mga pulitiko.

Iginiit niya na ang ang pagtatrabaho sa gobyerno ay isang serbisyo publiko at bilang mga ‘public servants’ ay dapat lamang na maipaalam sa publiko ang kanilang mga buhay.

Read more...