Radio broadcaster patay sa pamamaril sa Dumaguete City

By Justinne Punsalang May 02, 2018 - 02:48 AM

Binawian ng buhay sa ospital ang isang lalaking kawani ng media matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Dumaguete City.

Kinilala ang biktimang si Edmund Sestoso, 50 taong gulang, isang radio broadcaster at dating chairman ng National Union of Journalists in the Philippines – Dumaguete Chapter.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, katatapos lamang ng programa ni Sestoso sa DYGB-FM Lunes ng umaga nang pagbabarilin ito ng isang lalaking salarin.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek, sakay ng isang motorsiklo na minamaneho naman ng isa nitong kasama.

Naisugod pa sa Silliman University Medical Center Foundation, Inc. ang biktima, ngunit ayon sa mga doktor, multiple gunshot wounds sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan ni Sestoso ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Mariin namang kinundena ng local media ang naganap na pamamaslang. Hinimok nila ang mga otoridad na gawin ang lahat upang maaresto ang maysala at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Sestoso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.