125K halaga ng shabu nasabat sa Taguig City

By Len Montaño May 02, 2018 - 02:34 AM

Nakumpiska ang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P125,000 mula sa mag-asawa at kanilang kasambahay sa isang condominium unit malapit sa barangay hall sa taguig city.

Naaresto ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD-DDEU) sina Sangki Makakua Jr., ang misis nitong si Johaira Mayo, at si Maricel Constantino sa buy bust operation sa Unit 207, Building 5 ng Maharlika Condominium na 20 metro lang ang layo sa barangay hall sa Maharlika Village sa Pangan Pangandaman Jr. Street.

Narekober ang tatlong sachet ng shabu, timbangan, 9-mm armscor pistol na may sampung bala.

Ayon kay Chief Inspector Jerry Amindalan, kunwari pang umiyak si Mayo at itinapon nito ang kanyang malong sa bintana pero nadiskubre na may laman itong 20 grams ng shabu.

Umamin aniya ang mag-asawa sa pagbebenta ng droga sa sinumanng lumapit sa kanila.

Ayon sa pulisya, ang arestadong aktor na si Julio Diaz ang isa sa mga dating kliyente ng mag-asawa.

Kinasuhan ang mga suspek ng illegal drug pushing and possession bukod sa illegal possession of firearms kaugnay ng election gun ban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.