Pangulong Duterte dumipensa sa pagpapasara ng Boracay

By Chona Yu May 02, 2018 - 12:26 AM

Idenepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang proklamasyon na isara ang Boracay sa loob ng anim na buwan at isalalim ito sa rehabilitasyon dahil sa hindi maayos na sewerage system.

Sa talumpati ng pangulo sa 116th Labor Day celebration sa Cebu City, sinabi nito na kaya niya ipinasara ang isla ay para mapakinabangan pa ito ng mga susunod na henerasyon.

Umapela rin ang pangulo sa mga apektadong manggagawa sa Boracay na maghinay-hinay lamang dahil tinutugunan naman ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.

Katunayan, sinabi ng pangulo na nagpalabas na siya ng P448 milyong pondo at ibinigay sa Department of Labor and Employment (DOLE) para gamiting pang sweldo sa mga manggagawa.

Mapakikinabangan na aniya ang nasabing financial support simula sa buwan ng Mayo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.