Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lamang ang mga manggagawa na nasa Pilipinas ang kanyang pangangalagaan kundi maging ang mga migrant workers, partikular na ang mga nasa bansang Kuwait.
Sa talumpati ng pangulo sa 116th Labor Day celebration sa Cebu City ay sinabi nito na puspusan ang ginagawang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs), lalo na ang mga domestic helpers o household service workers sa Middle East.
Iginiit pa ng pangulo na kinakailangan na mabigyan ng dagdag proteksyon ang mga OFW papuntang Kuwait bago sila maipadala roon.
Kasaaby nito, inihayag ni Pangulong Duterte na nasa 140,000 job vacancies ang naghihintay sa Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan Job and Business Fair sites sa buong bansa mula sa mga private employers, habang halos 8,000 job vacancies naman sa government agencies para sa mga qualified applicants.