Dapat magsilbing babala kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaisa ng iba’t ibang labor groups upang singilin ang napakong oangalo ng administrasyon sa sektor ng paggawa.
Ito ang naging pahayag ni Anakpawis Representative Ariel Casilao.
Aniya, ngayon lamang nagkasundo na magsama-sama ang iba’t ibang samahan ng mga manggagawa para sa iisang pagkilos.
Ito aniya ay dahil sa mabigat na isyung kinakaharap ng mga ito.
Kasaysayan aniya na maituturing ang pasya ng mga labor groups na isantabi ang mga hindi pagkakasundo at tuminding sa iisang adhikain na igiit ang proteksyon sa hanay ng paggawa.
Samantala, sinabi ni Casilao na panahon na upang wakasan ang endo at kontraktwalisasyon gayundin gawing P750 ang national minimum wage.
MOST READ
LATEST STORIES