Rason ni DOT Sec. Wanda Teo sa P60M TV ads, tinawag na katawa-tawa ng isang senador
Hindi kapani-paniwala ang mga katuwiran ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo kaugnay sa paglalagay ng kanyang tanggapan ng P60 milyong halaga ng TV advertisements sa programa ng kanyang dalawang kapatid.
Ito ang sinabi ni Senador Kiko Pangilinan sabay hiling sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang ad placement ng Department of Tourism sa PTV 4 sa paniniwala na sablay ang ginawa ng kagawaran.
Aniya, mahirap tanggapin ang katuwiran ni Teo na ang mga tseke na ipinambayad nila ay para sa government-owned TV station at wala na umano itong alam kung saang programa ilalabas ang kanilang commercials.
Nauna nang nahalungkat ng Commission on Audit (COA) na binayaran ng PTV 4 ng P60 million ang Bitag Media Unlimited Inc., na pag-aari ni Ben Tulfo at producer ng programang Kilos Pronto kung saan inilagay ang ad placements ng DOT.
Ang isa din sa mga hosts ng programa ay isa pa nilang kapatid na si Erwin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.