Sinabi ni Senador Joel Villanueva na sa usapin ng labor policy, masasabi niya na walang halos sustansiya ang pinirmahan na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit, ayon kay Villanueva, hakbang na rin ito sa magandang direksyon para matuldukan ang sistema ng kontraktuwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa.
Ayon pa sa senador kung ano man ang nilalaman ng EO ay maaari itong maging gabay sa pagbalangkas ng mga batas laban sa illegal contractualization.
Aniya ipinakita lang nito ang posisyon ng ehekutibo laban sa end of contract o ‘endo,’ na paraan para limitahan ang ibinibigay na benepisyo sa mga manggagawa.
Maganda na rin ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Labor na tutol ang Punong Ehekutibo sa endo.
MOST READ
LATEST STORIES