Militanteng grupo hindi bilib sa EO sa Endo ni Duterte

By Alvin Barcelona May 01, 2018 - 08:29 PM

Inquirer photo

Nagkakaisa ang mga lider manggagawa at militanteng grupo sa paghahayag ng pagkadismaya sa executive order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa contractualization.

Nagtipon sa Mendiola ang iba’t-ibang labor groups para ipaalala kay pangulo ang pangako nito noong kampanya na wawakasan ang endo o end of contract practice ng maraming employer sa Pilipinas.

Ayon kay Ferdinand Gaite, national president ng grupong Courage,  bagaman hindi pa nila lubos na nagpag-aaralan ang EO ng pangulo ay mukhang pagdidiin lamang ito sa kasalukuyang batas nagsasabi na bawal ang labor only contracting at hindi talaga nagwawakas dito.

Naniniwala si gaite na isa lamang face saving measure ang pinirmahan EO ng pangulo matapos na ma-pressure sa kanilang pag-iingay sa nasabing usapin.

Sinabi naman ni Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno, kung tama ang kanilang hinala na pinaboran ng pangulo sa kanyang EO ang bersyon ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kaya lalong lulubha ang sitwasyon sa hanay ng mga mangagawa.

Ang gusto aniya ng mga mangagagawa ay isang batas na tuluyang magbabawal sa labor only contracting sa bansa na sa maraming pagkakataon ay pinalampas ng pangulo.

Dahil sa tila panlilinlang na ito ni Duterte, lalo nitong pinag-iisa ang mga grupo ng mga  manggagawa laban sa paasang administration kaya asahan nito na magsasagawa sila ng mas malaking pagkilos.

Sinabi naman dating Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo na kung gusto talaga ng pangulo ay maaari siyang maglabas ng policy declaration kontra sa endo na dapat sundin ng mga kaalyado nito sa Kongreso.

Samantala, naging highlight ng labor day protest ng mga manggagawa ang pagsusunog sa malaking effigy ni Pangulong Duterte na tinawag na “Dutertemonio”

TAGS: courage, duterte, ecop, endo, KMU, courage, duterte, ecop, endo, KMU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.