Bilang ng mga tambay na Pinoy tumaas ayon sa survey

Inquirer file photo

Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho o tambay sa bansa base sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS).

Mula sa dating 15.7 percent noong December, 2017 ito ay umakyat sa 23.9 percent sa unang quarter ng 2018.

Sa pagtaya umaabot na sa 10.9 million ang bilang ng mga Pinoy na walang pinagkakakitaan para sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga factors na kasama sa pagtaas ng joblessness rates ay iyung mga boluntaryong nagbitiw sa kanilang trabaho na 12.6 na kumakatawan sa 5.8 million adults.

Kasama rin dito ang mga nawalan ng trabaho na kumakatawan sa 7.7 percent na katumbas naman ng 3.5 million adults samantalang ang mga first-time job seekers naman ay naitala sa 3.5 percent.

Ang nasabing nationwide survey ay ginawa mula March 23 hanggang March 27 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents.

Pinakamarami sa mga nawalan ay mula sa Metro Manila na sinundan ng balance of Luzon, Mindanao at Visayas region. / Den

Read more...