Tubo na naglalabas ng maruming tubig sa Boracay nadiskubre ng DPWH

By Rohanisa Abbas May 01, 2018 - 05:14 PM

DOT photo

Nadiskubre ang isang tubong naglalabas ng mabahong likido at puting bula sa white beach sa isla ng Boracay.

Hinukay ng Public Works and Highways ang buhangin sa lugar at natagpuan ang isang blue pipe na 6-inch ang diameter.

Tinabunan ito ng sandbags para matakpan ang tagas.

Ayon kay Richard Favila, officer in charge ng Department of Enivornment and Natural Resources sa Boracay, malaki ang posibilidad na waste water ang dumadaloy sa tubo dahil hindi magiging masyadong mabaho kung treated water ito.

Ayon kay Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing III, inulat ng isang residente ng Boracay sa pamamagitan ng hotline ang tatlong tubong nakatago na naglalabas ng likido sa White Beach

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmumulan ng likido.

Nauna nang sinabi ng DPWH na maraming mga establishemento sa Boracay ang direktang nagtatapon ng kanilang water waste sa dagat.

TAGS: boracay, dot, DPWH, water waste, boracay, dot, DPWH, water waste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.